Close

Autism, bipolar at schizophrenia may genetic similarities - study

Sponsor ads


Lumabas sa pag-aaral ng mga mananaliksik sa brain tissue na may pagkakapareho ang mga mental illness kabilang ang autism at schizophrenia.

May ilang similar patterns ng gene expression ang mga taong may autism, schizophrenia at bipolar disorder.

Ang gene expression ay tumutukoy sa cells' conversion ng genetic instructions sa protina ng utak.

Ang resulta ay nagbigay ng molecular, pathological signature para sa mga ganitong disorder.

Dagdag pa ni Geschwind, ang pinaka hamon dito ay ang maunawaan kung pano ito nagmula.

"We show that these molecular changes in the brain are connected to underlying genetic causes, but we don't yet understand the mechanisms by which these genetic factors would lead to these changes," saad ni Geschwind.

Pinag-aralan din ng grupo ni Geschwind ang RNA sa 700 tissue samples na galing sa utak ng patay na taong may autism, schizophrenia, bipolar disorder, major depression o alcohol abuse disorder at ikinumpara nila ito sa sample ng utak ng mga taong walang sakit sa utak.

Ayon pa sa mga mananaliksik habang may overlap sa gene expression patterns na may kaugnayan sa autism and schizophrenia, ang mga taong may major depression naman ay may gene expression patterns na hindi nakikita sa ibang uri ng mental illness.