Close

Australian team, hindi nagpapakampante kontra Gilas Pilipinas

Sponsor ads


Hindi nagpapakampante ang Australian national basketball team sa magiging laban nila kontra Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup.

Gaganapin ang basketball game ng Australia at Pilipinas sa Margaret Court Arena sa Melbourne sa February 22.

Ayon sa team coach ng Boomers na si Andrej Lemanis, ni-recruit nila ang naturalized import na si Kevin Lisch na may mga US, Italian at Australian passports para paigtingin ang kanilang pwersa sa darating na laro.

Si Lisch ay isang 6-2 guard na naglaro sa ilalim ng St. Louis University varsity sa Missouri sa loob ng 4 na seasons mula 2008 hanggang 2009.

Nakapaglaro na rin si Lisch sa Olympics noong 2016 Rio Games kung saan ay nakuha nila ang ikaappat na pwesto at itinuring rin siya bilang two-time MVP sa National Basketball League ng Australia.

Samantala, hindi na bago kay Gilas coach Chot Reyes sa playing style ni coach Lemanis dahil minsan na sila nagharap sa France para sa isang warm up game bilang paghahanda sa 2014 FIBA World Cup sa Spain kung saan ay natalo sila ng Australia sa score na 97-75.