Close

Australian na nagpadala ng umano'y asbestos sa mga embahada, arestado

Sponsor ads


Kinasuhan ang isang lalaki dahil sa pagpapadala niya ng mga package sa mga embahada at konsulado sa Australia na pinaniniwalaang may laman na delikadong kemikal.

Humarap ang Australyano na si Savas Avan, sa Melbourne court matapos siyang arestuhin sa bahay niya sa Victoria state sa parehong araw na natanggap ng mga embahada ang kahina-hinalang packages na may laman umano na asbestos.

Sinabi ng pulisya na ipinadala ng 49-anyos na suspek ang 38 parcels sa iba't-ibang mga konsulado at embahada sa Melbourne, Canberra, at sa Sydney.

Una nang inulat ng local media na asbestos ang laman ng mga parcel na isang kemikal na maaring magdulot ng kanser at kadalasan ay ginagamit sa construction pero bagay naman ito na hindi kinumpirma o itinanggi ng tagapagsalita ng mga pulis.

Samantala, posible naman maparusahan si Avan ng 10-taong pagkakakulong kung mapapatunayan ang kanyang pagkakasala sa korte.


(Photo: AAB)