Close

Australia, tinambakan ang Batang Gilas; 77-43

Sponsor ads


Malabangungot ang naranasan na pagkatalo ng Batang Gilas sa pakikipagtuos nito sa Australia sa laro na nagtapos sa score na 77-43.

Ginanap ang laban ng dalawang kuponan para sa FIBA Under-18 Asian Championship sa Thailand.

Nasa 34 points ang naging lamang ng Australia; pinakamababa ito kumpara sa 75 points victory na nakuha ng Australia kontra Thailand, 65 points laban sa Bahrain at 49 points laban sa New Zealand sa group stage at 36 points naman kontra Japan sa quarterfinals.

Sa kabila ng pagkatalo ay sigurado na ang spot ng Pilipinas sa FIBA Under-19 World Championship na gaganapin sa susunod na taon.

Samantala, meron naman tiyansa ang Batang Gilas na sungkitin ang bronze medal sa pakikipagtuos nito sa China na natalo sa New Zealand sa score na 87-82 sa kabilang semifinal bracket.

(Photo: FIBA website)