Close

Australia, iniimbestigahan ang pag-aresto ng BI sa Ausie nun

Sponsor ads


Iniimbestigahan na ng Australian government ang pag-aresto sa 71 anyos na Australian missionary na ikinustodiya dahil umano sa pagsali sa partisan political activities sa bansa.

Ayon kay dating Congressman Satur Ocampo, nakausap na ng Australian consulate si Sister Patricia Fox matapos ang kontrobersyal na pag-aresto rito kahapon ng Bureau of Immigration (BI).

Binisita ni Ocampo si Fox sa kanyang detention room bago makiisa sa kilos protesta ng mga human rights activists sa tapat ng BI para iapelang palayain na ang madre.

Sinabi ni Ocampo na dapat maabisuhan ang BI para di na magsagawa pa ng proceedings laban kay Sister Fox na matagal nang tumutulong sa mahihirap sa bansa.

Aniya, magiging dahilan ng international incident kung i-dedeport ng BI si Fox.

Mababatid na 27 taon nang narito sa Pilipinas si Sister Fox at gumagawa ng missionary activities.