Close

Ausie nun Sr. Patricia Fox, pinalaya na ng BI

Sponsor ads


Pinalaya na ngayong araw ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang 71 anyos na Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Ito ay matapos na aprubahan ni Commissioner Jaime Morente ang pag-release sa madre matapos na ma-establish na mayroon itong valid missionary visa at sya ay isang documented alien.

Kung mababatid, inaresto si Fox ng mga tauhan ng BI mula sa kanyang bahay at dinala sa BI matapos umano nitong makiisa sa political activities sa bansa.

Ayon sa BI, kahit na nakiisa si Fox sa protest actions kasama ang mga magsasaka noon, hindi naman nakikiisa ang madre sa kilos protesta noong inaresto ito kahapon.

Dagdag ng BI, hanggang Setyembre valid ang missionary visa ni Fox.

Mababatid na kabilang sa human rights missions sa Mindanao ang nasabing madre para sa mga indigenous people at farmers.