Close

Augmentation team ng DOLE, lilipad patungong Libya

Sponsor ads


Tiniyak ng pamahalaan ang kanilang kahandaan sa pagpapatupad ng mandatory repartiation sa lahat ng overseas Filipino workers sa Libya.

Ito ay kung sakaling tumindi ang kaguluhan na magiging dahilan para magdeklara ang Department of Foreign Affairs o DFA ng Alert Level 4.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, isang augmentation team mula Department of Labor and Employment (DOLE) ang lilipad patungong Libya sa April 16 para tulungan at ayusin ang repartiation ng mga OFWs.

Sasagutin ng gobyerno ang lahat ng monetary requirements kasama na ang airfare ng uuwing Pinoy lalo na ang mga documented workers.

Tutulungan rin ang mga undocumented OFWs dahil sila rin naman ay Pilipino.