Close

Ateneo, tagumpay na dinipensahan ang UAAP title

Sponsor ads


Tagumpay na nadipensahan ng Ateneo Blue Eagles ang titolo nito bilang kampeon sa UAAP men's basketball.

Naghari ang Ateneo sa Game 2 ng best-of-three finals laban sa UP Fighting Maroons sa score na 99-81, dahilan upang makamit ng Blue Eagles ang kanilang back-to-back title.

Ginawa ang championship match sa harap ng 23,471 crowd sa Araneta Coliseum.

Naitala naman ng Finals MVP na si Thirdy Ravena ang career-high 38 points sa laro na may 13-of-18 from the field.

Kumolekta din siya ng 6 rebounds, 6 assists at 3 steals.

Kinoronahan naman bilang Rookie of the Year si Angelo Kouame na nakapagrehistro ng double-double na may 20 points, at 20 boards na tumulong sa Blue Eagles makuha ang kumportableng lead sa buong 2nd half.

(Photo credits to: ABS-CBN // George Calvelo)