Close

Astronauts, ligtas na nakaalis mula sa pumalyang Russian rocket

Sponsor ads


Isang US astronaut at Russian cosmonaut ang ligtas na nakabalik sa earth matapos mag-emergency landing nang magka-aberya sa himpapawid ang Russian Soyuz rocket patungo sanang International Space Station (ISS).

Pagkatapos kasing mag-take off mula Baikonur Cosmodrome sa Kazakhstan, agad na inireport nina Nick Hague at Alexey Ovchinin na mayroong problema sa booster ng rocket.

Napilitan tuloy ang mga itong mag "ballistic descent" sa kanilang capsule at matagumpay naming nakapag-landing ilang daang milya ang layo north ng Baikonur.

Agad naman silang nasagip ng mga rescuers.

Inanunsyo ng Russia na sususpindehin muna nila ang iba pa nilang manned flights at inumpisahan na ang imbestigasyon hinggil sa nangyaring aberya.