Close

Aso ni Pacquiao na si Pacman, patay nang maaksidente sa General Santos

Sponsor ads


Nasawi ang aso na itinuturing na training partner ni Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao matapos itong aksidenteng mabangga sa General Santos City.

Si Pacman, na nakuha ang pangalan mula sa boxing nickname ng kanyang 8-division world champion na amo, ay kasangga ni Pacquiao sa training noon pang 2006.

Mula sa jogging session ni Pacquiao hanggang sa pag-eensayo sa loob ng ring ay kasa-kasama nito ang aso na si Pacman.

Mababatid na Jack Russel Terrier ang breed ni Pacman, na 14-years old nang masawi.

Anak ito ng aso na bumida sa pelikulang "The Mask" ni Jim Carrey.