Close

Aso ginawaran ng honorary doctorate ng isang Unibersidad

Sponsor ads


Ginawaran ng honorary doctorate in veterinary medicine ng Virginia Tech University ang aso na si Moose.

Binigyan pagkilala ang aso sa pamamagitan ng virtual commencement ceremony.

Ayon sa report ang 8-anyos na aso ay nagsisilbing therapy dog sa Cook Counseling Center ng naturang universidad.

Si Moose ay bahagi na nang Virginia Tech simula pa noong 2014 at kasama sa mga working therapy animals and ambassadors for mental health awareness.

Una nang hinirang si Moose bilang Virginia Veterinary Medical Association's Animal Hero Award noong 2019.