Close

Aso, kumakandidato bilang mayor sa Canada

Kumakandidato ang isang aso bilang mayor sa Newfoundland city sa Canada.

Ibinahagi ng dog trainer na si Glenn Redmond, ang isang video na nagpo-promote kay Finn na isang Australian cattle dog bilang bagong kandidato ng mayor sa bayan ng St. John sa naturang lungsod.

Kabilang sa kampanya ni Finn ang plano nito na palaguin ang negosyo sa lugar, i-improve ang mga buwis at kanyang commitment sa public works projects.

"Finn being an Australian cattle dog, he's a tireless worker, he doesn't know when to stop. He will work day and night to get things done," ani Redmond.

Bukod dito ay ibinida rin ng dog trainer na equipped din ang kanyang alagang aso na mag-provide ng "hands on" solutions sa mga kinakaharap na isyu ng munisipalidad. |Jasmine Cruz