Close

Arrest warrant vs Trillanes, re: Kudeta, posibleng ilabas anumang oras

Sponsor ads


Posibleng maglabas ng alias warrant of arrest at hold departure order (HDO) ang Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148 anumang oras mula ngayon laban kay Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay naman sa kasong kudeta.

Ito'y matapos na maging submitted for resolution ang urgent motion ng Department of Justice (DoJ).

Kahapon nang hilingin ng DoJ na agad resolbahin ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano ang kanilang urgent motion, isang buwan na ang nakakaraan mula nang ihain ito.

Sa ngayon, nasa Senado na rin ang senador para antabayanan ang magiging desisyon ng korte.

Samantala, bukas, itinakda naman ni Judge Elmo Alameda ng Makati Regional Trial Court Branch 150 ang pagdinig kaugnay sa mosyon ni Trillanes na ipagpaliban ang umano'y "premature" arrest order laban sa kanya dahil sa kakulangan ng legal at factual basis kaugnay naman sa rebellion case nito.