Close

Arnell Ignacio, grumaduate sa edad na 55

Sponsor ads


Isang panibagong milestone ang naabot ni Arnell Ignacio matapos grumaduate sa edad na 55.

Ngayon, hawak na niya ang bachelor's degree sa Political Science major in Local Government Administration.

Nagtapos si Ignacio sa University of Makati.

Kwento niya, huli siyang grumaduate ng highschool noong 1981.

Labis ang pasasalamat ni Arnell kay Dean Ederson Delos Trino Tapia ng College of Governance and Public Policy na nagtiyaga sa kanya hanggang siya at makatapos sa kabila ng kanyang magulong schedule.