Close

Armida Siguion-Reyna, pumanaw sa edad na 88

Sponsor ads


Pumanaw na ang singer-actress na si Armida Siguion-Reyna kahapon sa edad na 88-anyos.

Tumanggi ang pamilya at mga kaibigan ng aktress na magsalita tungkol sa pagpanaw nito.

Pero kinumpirma ng source na tumangging magpakilala ang nakakalungkot na balita.

Sa ngayon ay wala pang impormasyon kaugnay sa naging sanhi ng kamatayan ni Siguion Reyna.

Mababatid na naging producer at host din si Siguion-Reyna ng award-winning show na "Aawitan Kita".

Nagsilbi na rin siya bilang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board noong 90's.

(PHOTO: ABS-CBN)