Close

Armas at pampasabog, narekober mula sa CTG

Sponsor ads


Samut-saring mga firearms at explosives ang narekober ng Northern Luzon Command mula sa Communist Terrorist Group (CTG) sa Isabela.

Itoy matapos ang nangyaring encounter ea pagitan ng CTG at 95th Infantry Battalion (95IB) ng 502nd Brigade, sa ilalim ng Joint Task Force (JTF) "TALA" ng 5th Infantry Division, sa Brgy San Miguel, Echague, Isabela.

Ilan sa mga narekober ay (5) M16 rifles, two (2) bandoleers for M16, two (2) rifle grenades, three (3) improvised explosive device (IEDs), four (4) detonating cords, seven (7) blasting caps, one (1) motorola handheld radio, one (1) power saw (chainsaw), seven (7) back packs with personal belongings, two (2) cellphones, assorted medicines,medical pharaphernalias, at subversive documents.

Tumagal ng isat kalahating oras ang palitan ng putok kung saan tinatayang nasa 20 CTG ang nakasagupa ng mga otoridad.

Wala namang naitalang casualties sa panig ng gobyerno habang hindi naman ma determina mula sa panig ng mga kalaban.

Ayon sa NOLCOM, magtutuloy-tuloy ang kanilang laban kontra Communist NPA terrorist.

Pero sa kabila nito ay sinabi ng NOLCOM na bukas pa rin ang gobyerno sa mga nais sumuko at magbalik loob sa gobyerno.