Close

Arjo, itinangging siya ang dahilan ng pagkabuwag ng AlDub

Sponsor ads


Mariing itinanggi ni Arjo Atayde na siya ang dahilan kung bakit nabuwag ang sikat na love team nina Maine Mendoza at Alden Richards na "AlDub".

Ito ay kasunod ng paninisi ng fans kay Arjo matapos ang kanilang pag-amin na sila ay exclusively dating na.

Mababatid na hindi rin matigil ang pambabash ng AlDub fans sa dalawa.

Giit naman ni Arjo, deadma na siya rito dahil ang mahalaga ay masaya silang dalawa.

“I am very, very, very, happy and I think that’s what matters now", saad ng aktor.

Kuntento na rin aniya si Arjo sa kanyang career, pamilya, at lovelife.

Dagdag pa ng aktor, Maine, is worth fighting for.