Close

Arjo, itinangging pinatutsadahan si Alden sa kanyang IG story

Sponsor ads


Itinanggi ni Arjo Atayde ang mga espekulasyong pinatamaan nya si Alden Richards sa kanyang pag-post ng kanta ni Michael Bublé sa kanyang ig story.

Ipinakita kasi ng aktor ang screenshot ng kantang "Everything" ni Bublé mula sa spotify.

Ito ay matapos na kumalat sa social media ang video kung saan nagkamali si Alden sa pagkakabigkas ng apelyido ng singer.

Inilathala ang istorya ng isang gossip blog site.

Pero sagot ni Arjo sa kanyang tweet, wala syang alam sa sinasabi sa blog site at hindi para kay Alden ang kanyang screenshot dahil ang lyrics ng kanta ang dahilan ng kanyang pagpost nito.

Mababatid na si Arjo ang kasalukuyang nali-link kay Maine Mendoza na syang ka-love team ni Alden sa Aldub.

Makailang beses nang naispotan ang dalawa nang magkasama na tila nagkakamabutihan na.

Pero wala pa namang komento sina Arjo at Maine sa estado ng kanilang relasyon at di pa kinoconfirm kung friends lang talaga sila.