Close

Argentina cops, sibak matapos isisi sa daga ang nawawalang marijuana

Sponsor ads


'Baka kinain ng daga'

Ito ang palusot ng walong pulis sa Pilar, Argentina nang tanungin kung nasaan ang nawawalang 1,000 pounds ng marijuana sa kanilang police warehouse.

Ayon sa ulat, 13,000 pounds ng marijuana ang dapat na nasa loob ng storage room pero napag-alamang kulang ito nang magsagawa ng police inspection.

Pinagpaliwanag sa judge si Javer Specia, dating police commissioner ng Pilar kung bakit kulang ang marijuana sa storage room.

Sinabi ni Specia pati na ng tatlo niyang tauhan na posibleng kinain ng mga daga ang nawawalang droga..

Pero di kumbinsido ang mga eksperto sa rason nila dahil hindi umano malilito ang mga daga kung ano ang marijuana at kung ano ang pagkain.

Kung maari man aniyang totoong nakain ng mga daga ang mga marijuana, mamamatay agad ang mga ito at makikita ng mga imbestigador ang mga bangkay nito na nakakalat sa warehouse.

Sinibak ang walong officers at tetestigo sa Korte sa May 4.

Doon pagdedesisyunan ng judge kung nawawala ang droga dahil sa expedience o negligence.