Close

Arbitral ruling, 'enforceable' - Alejano

Sponsor ads


Nanindigan ang ilang mambabatas na"enforceable" ang arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas laban sa China kaugnay sa pinagtatalunang mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Inihain ang kaso laban sa China noong nakaraang administrasyon ngunit noong 2016 o sa panahon lamang ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte inilabas ang naturang ruling na pumapabor sa Pilipinas.

Ayon kay Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, malinaw na isinantabi ng administrasyong Duterte ang arbitral ruling.

Ito anya ay dahil hindi naman binabanggit ng gobyerno ang arbitral ruling sa mga forum o sa mga bilateral meetings.

Dagdag ni Alejano, pinanuod ng buong mundo ang Pilipinas dahil tayo ang naghain ng kaso at meron tayong hawak na ruling.

Giit ng mambabatas, pwede tayong tulungan ng buong mundo kung isusulong ng bansa ang multilateral approach sa pagresolba ng problema.

Matatandaan na sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi isinantabi ng gobyerno ang arbitral ruling ngunit ito anya ang "unenforceable".

Sagot ito ni Panelo sa sinabi ni dating Foreign Affairs secretary Albert Del Rosario na panahon na upang i- "unshelve" ng gobyerno ang arbitral ruling.