Close

Apat, sugatan sa pag-atake sa base ng US Forces

Sponsor ads


Sugatan ang apat na tao mula sa isinagawang pag-atake sa Balad air base sa northern Iraq na kinaroroonan ng mga sundalo ng US.

Sinabi ng Iraqi military na pinakawalan nito ang walong Katyusha rockets sa naturang base na 80 kilometro ang layo mula sa Baghdad at kabilang sa apat na nasugatan ay ang dalawang opisyal.

Ayon sa ilang military sources, tumama ang pitong mortar bombs sa runway ng base.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang US forces sa nasabing base kung meron itong mga naging casualties.

Hindi naman tinukoy ng Iraqi military kung sino ang nasa likod ng pag-atake, at wala rin itong nabanggit kung may kinalaman ang pangyayari sa tensyon sa pagitan ng US at Iran.

Matatandaan na una nang nagpakawala ng missiles ang Iran sa dalawang military bases ng US forces sa Iraq.