Close

Anti-Drug Abuse Council, isusulong ni Go upang maging batas

Sponsor ads


Naniniwala si dating special assistant to the president at senatorial aspirant Bong Go na ang pagbuo ng Anti-Drug Abuse Council ay makakatulong upang mapalakas ang kampanya kontra illegal na droga ng pamahalaan hanggang sa barangay level.

Sinabi ito ni Go sa paglulunsad ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo program na dinaluhan ng daan-daang estudyante sa Philippine National Police Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Sa ngayon ay sinabi ni Go na ang isusulong niyang legislation ay isa pa lamang memorandum circular at nais niyang maisabatas ito upang magkaroon ng Anti-Drug Abuse Council sa bawat barangay.

Iginiit din ni Go na mahalaga ang papel ng bawat Pilipino sa pagsugpo ng ilegal na droga, korapsyon at terrorismo.