Close

Anthony ramdam na ang posibleng NBA retirement

Sponsor ads


Aminado si NBA free agent Carmelo Anthony na nararamdaman na niyang malapit na ang kanyang pagreretiro.

Ayon kay Anthony batid niyang hindi niya pwedeng gawin pang-habambuhay ang basketball.

"I'm sure [retirement is] coming soon. I'd be sitting lying to you if I said it's not coming soon," pahayag pa ni Anthony.

"I think I want it to come soon. I don't think I want to do this forever, but because you love it so much, it's hard to give it up. At the end of the day, at anything you do, when it's your time to go, it's your time to go. But as long as you feel good with that."

Simula noong Nov. 8 ay hindi nasilayan sa hardcourt ang 34-year old NBA veterans matapos tanggalin ng Houston Rockets sa line-up, at i-waived ng Atlanta Hawks at Chicago Bulls.

Sa ngayon wala pang team ang nagpapahayag ng interes na kunin muli ang serbisyo ng 10-time NBA All-Star.