Close

Anthony Edwards no. 1 pick sa NBA draft 2020

Sponsor ads


Napili bilang no.1 pick sa NBA draft 2020 si Anthony Edwards mula sa Georgia State.

Mas pinili ng Minnesota Timberwolves si Edwards kesa kina center James Wiseman na napunta sa Golden State Warriors bilang no. 2 pick at Lamelo Ball na kinuha ng Charlotte Hornets sa no. 3 ng draft.

Hindi naman makapaniwala ang 6-foot-5, 220-pound guard mula sa Atlanta na siya ang hihirangin no. 1 sa NBA draft ngayong taon.

"It is an indescribable feeling," ang pahayag ni Edwards sa panayam ng ESPN matapos mapili sa draft.

"My family is emotional. I feel like when I get off of here, I am going to be emotional. I am just blessed beyond measure to be in this situation."

Magugunitang sina Edwards, Wiseman at Ball ay una nang kinukunsidera bilang top pick sa 2020.