Close

Anne Curtis, Vice Ganda, nagpahayag ng pag-aalala sa pagsabog ng Bulkang Taal

Sponsor ads


Inihayag ng ilang sikat na personalidad sa social media ang kanilang mga dasal at pangamba para sa mga tao na maaring maapektuhan ng phreatic eruption ng Bulkang Taal.

Sinabi ng aktres na si Anne Curtis-Smith na umaasa siya na hindi magdudulot ng labis na pinsala ang eruption at sana ay maging ligtas ang mga residente mula sa kapahamakan.

Ipinagdarasal naman ng komedyante na si Vice Ganda ang kaligtasan ng lahat mula sa pagputok ng Bulkan.

Nagpaabot rin si Julie Anne San Jose ng kanyang mga dasal para sa mga nakatira malapit sa Taal.

Ibinahagi naman ni Bianca Gonzales ang health advisory ng Department of Health kaugnay sa ash fall o pag-ulan ng abo.