Close

Angel, nagpahayag ng suporta sa mga kasamahan sa ABS-CBN

Sponsor ads


Iginiit ng aktres na si Angel Locsin na kasama siya ng libo-libong mga tauhan ng ABS-CBN sa panawagan na huwag ipasara ang kanilang pinagtatrabahuan na TV network.

Sinabi ni Angel na marami na siyang nakilala at minahal na tao sa set ng kanyang mga teleserye kabilang na anya ang mga nagsisilbi sa set bilang mga cameramen, utility, art department, technical department at marami pang iba.

Ibinahagi ni Angel na hindi siya nakapag-renew ng kontrata nya ngayon sa TV network dahil sa pagiging abala niya para sa kanyang wedding.

Gayunman, sinabi ng aktres na lagi niyang ituturing bilang pamilya ang mga nakasama niya sa set.

Nakiusap naman ang aktres sa mga bashers ng ABS-CBN na mag-think before you click.

Ipinunto ni Angel na marami sa kanila ang may mga pamilya na umaasa sa kanilang pagkayod.