Close

Andrea, ipinakita ang konstruksyon ng kanyang soon-to-be home

Sponsor ads


Excited na ang young actress na si Andrea Brillantes para sa pagtatapos ng kanyang ipinapagawang bahay.

Sa Instagram ay ipinakita ng aktres ang kanyang soon-to-be home.

Makikita ang aktres na nakaupo sa ikalawang palapag ng under construction na gusali, na ayon sa kanya ay magiging balkonahe ng kanyang bahay.

Matatandaan noong 2017 ay sinabi ni Andrea, na pangarap niyang bigyan ng malaking bahay ang kanyang pamilya.

Nitong 2019 ay inanunsyo niya na sinimulan na ang konstruksyon ng kanyang dream house.