Close

Andi Eigenmann binalewala ang mga 'pakialamera'

Sponsor ads


Binalewala ng aktres na si Andi Eigenman ang tinawag niyang mga 'chismosang pakialamera' na nagbigay ng mga maling spekulasyon tungkol sa kanyang pasa sa mukha.

Sa instagram story ni Andi, ipinaliwanag niyang nakuha niya ang mga pasa matapos hindi niya sinasadyang tumama sa kanyang surf board habang ginagawa ang hobby na surfing.

Ayon sa caption niya sa kanyang instagram story, "This is for the chismosa and pakialameras out there. This wound is from not paying attention to my board in the water while I was making kulitan with Dagul. Due to impact my eyes and nose swelled up."

Inamin naman ng aktres na hindi siya nakinig sa warning ng kanyang friend na surfer na mag-ingat kahit na anong kondisyon ng mga alon at na siya ay masyadong naging komportable sa pagsurf to the point na di na siya nag-ingat. // Liam Eustaquio