Close

Anak ni Lea Salonga, susunod na nga ba sa yapak ng ina?

Agad na kumalat ang tweet ni Lea Salonga tungkol sa kanyang anak na si Nicole Chien na natanggap sa isang Atlantis Theatrical's Production ng "Matilda".

Ito ang unang professional theater production ni Nicole at tuwang-tuwa si Salonga pati ang kanyan asawa na si Rob Chien.

Kasama ni Nicole sa "Matilda" ay ang “The Voice Kids” na si Esang de Torres na naging miyembro ng "FAMILEA".

Mababatid na nagpe-perform na si Nicole sa kanyang paaralana simula noong 5-taong gulang pa lamang ito.

Noong 2015, umawit rin ito sa semi-finals ng “The Voice of the Philippines” kasama ang ina at nagduet rin sila ni Leo sa concert nito na "Songs from the Stage."(OJT) Carl Michael Quintero