Close

Ama ni Meghan Markle, hindi makakadalo sa gala wedding

Sponsor ads


Ikinalulungkot ni Meghan Markle na hindi umano makakadalo ang kanyang ama sa kasal nila ni Prince Harry dahil sa health problems.

Kaugnay nito, hindi pa nagbibigay ng detalye ang Palasyo sa health issues ng 73-anyos na si Thomas Markle pero batay sa celebrity website na TMZ na-ospital ito sa California matapos sumailalim sa procedure para linisin ang baradong coronary arteries.

Pero batay sa website, nasa mabuting kondisyon ngayon ang nakatatandang Markle ngunit kailangan lang magpahinga.

Dahil dito, si Doria Ragland, ang ina ni Meghan Markle ang dadalo sa kasal habang walang pang pinangangalanan na replacement.

Mababatid na sa May 19 gaganapin ang gala wedding sa St. George’s Chapel sa grounds ng Windsor Castle.

Ang wedding day festivities ay kinabibilangan ng 25-minute carriage ride sa labas ng castle grounds ng newlyweds pagkatapos ng seremonya.

Nasa mahigit 2,600 katao ang inimbitahan sa castle grounds para manuod sa procession.