Close

Alzheimer’s disease, pwede nang madiagnose thru blood test

Isang experimental blood test ang matagumpay na nakadiagnose ng Alzheimer’s disease base sa isang pag-aaral na inilabas sa journal na Proceedings of the National Academy of Sciences.

Bagama’t idinedevelop pa, ang ginawang test ay maaaring magamit para suriin ang ilan pang mga degenerative brain disorders at kahit mga mild cognitive impairment na resulta ng mga head injuries.

Ayon sa mga researchers na namumuno sa pag-aaral, matagumpay nilang nakilala kung sino ang mga pasyenteng may Alzheimer’s ng may 86% sensitivity at specificity.



Nagawa rin ng test na pag-ibahin ang Alzheimer’s sa dementia with lewy bodies ng may 90% sensitivity at specificity.

Ang sensitivity ay tumutukoy sa mga tunay nagpositive sa Alzheimer’s sa pamamagitan ng test samantalang ang specificity naman ay tumutukoy sa mga tunay na negative sa sakit.