Close

Alonte, nainis sa bashers ni Loisa Andalio

Sponsor ads


Hindi ikinatuwa ni Hashtags member Ronnie Alonte ang mga usap-usapan na kumakalat tungkol sa kanyang rumored girlfriend na si Loisa Andalio.

Sinasabi kasi ng ilang netizens na nahuli daw ni Alonte si Andalio na may ka-one night stand kaya sila nag-away.

Nilinaw ni Alonte na iba ang problema na pinagdaanan nila ng 19-years old actress.

Ayon kay Alonte, kalokohan ang mga sinasabi na meron third party involved sa kanilang tampuhan.

Naiinis na din ang aktor sa bashers pero hindi lang siya makapagsalita laban sa mga ito dahil may kailangan siyang ingatan.

Wala naman ideya si Ronnie kung sino ang nagpakalat sa nasabing issue.

Samantala, nagpasalamat naman si Ronnie sa mga LoiNie fans na patuloy silang sinusuportahan at ipinagdadasal.