Close

Alessandra de Rossi, nagtayo ng sariling company

Sponsor ads


AWOO, o "A World Of her Own".

Ito ang pangalan ng itinayong company ni Alessandra de Rossi sa ilalim ng Viva Corporation.

Kasunod ito ng kanyang pag-alis sa isang talent management agency.

Kwento ni Alessandra, nakuha niya ang ideya sa pangalan ng kompanya sa brother in law na si Jules Ledesma.

Ayon pa sa aktres, very excited sya ngayon dahil maibubuhos na niya ang kanyang ideya sa sariling pelikula nang walang conflict of interest.

Goal niya kasi ngayong taon ang makapagdirek ng sariling pelikula.

Sa ngayon ay mayroon nang tatlong movie projects si Alessandra sa ilalim ng kanyang home studio kung saan isa rito ay ready to shoot na.