Close

Alert status sa Bulkang Taal, ibinaba na sa alert level 2

Sponsor ads


Mula sa alert level 3, ibinaba na ng Phivolcs sa alert level 2 o "decreased unrest" ang alerto sa bulkang Taal.

Batay sa inilabas na Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, nakapagtala na lamang ng kaunting volcanic earthquake activity sa Taal simula nitong Enero 26, 2020.

Bukod dito, humina na rin ang naitatalang gas emissions mula sa main crater.

Pero, nilinaw ng Phivolcs na sa ilalim ng alert level 2, bagaman nabawasan ang volcanic activity, di isinasantabi ang banta na sumabog ang bulkan.

Kaya naman sa oras na magkaroon ng indikasyong posibleng magkaroon ng pagsabog , muling itataas ang alerto sa level 3.

Kaugnay nito, inirerekomenda pa rin ng Phivolcs na ipagbawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island na kinukunsiderang Permanent Danger Zone.