Close

Alden may payo sa mga aspiring game streamers

Sponsor ads


Pinayuhan ng aktor na si Alden Richards ang mga nagbabalak na maging game streamer tulad niya na maging responsable sa paglalaro ng video games.

Isa ito sa mga libangan ngayon ni Alden habang hindi pa busy sa kanyang mga trabaho.

Iginiit ng Pambansang Bae na layunin niya bilang isang livestreamer ang pagpo-promote ng tinatawag na responsible gaming.

“I promote responsible gaming. We can all enjoy gaming pero pwede nating i-enjoy ‘yun nang nagiging responsible. Yung kinaganda ng gaming, parang hindi ako si Alden Richards du’n. I’m part of the gaming world. Pantay-pantay kami. It’s a matter of skills, dedication and love for the game,” pagbabahagi ng aktor.

Para naman aniya sa mga nais gawing hanapbuhay ang streaming, pinayuhan ni Alden ang mga aspirants na hindu kailangan ng mamahaling equipment set-up para maisakatuparan ito. - GLENN PARUNGAO