Close

Albie, wala pang planong pakasalan ang non-showbiz gf

Sponsor ads


Wala pa raw balak na magpakasal sina Albie Casiño at ang kanyang model-girlfriend na si Michelle Arceo.

Ayon kasi sa aktor, gusto muna nyang secured ang future ng kanyang mga magulang bago magsettle down.

Sabi ni Albie, gusto muna nyang yumaman.

Hirit pa ng aktor, di na nya uuliting mag-girlfriend ng nasa showbiz dahil mas okay talaga kapag wala sa kapareho nyang industriya ang kanyang karelasyon.

Mukhang na-trauma na si Albie sa nangyari sa kanila ng dating girlfriend na si Andi Eigenmann.

Mababatid na naging kontrobersyal ang relasyon ng dalawa noon nang sabihin ni Andi na nabuntis sya si Albie at ito ang ama ng kanyang anak na si Ellie.