Close

Albay isinailalim sa State of Calamity dahil sa dengue

Sponsor ads


Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Albay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa lugar.

Pumalo na sa 3,055 ang kaso ng dengue sa lugar mula January 1 hanggang August 7 batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office ng Albay.

Sa naturang bilang, 12 katao na ang nasawi.

Ito ay mataas ng pitong beses sa naitalang 455 kaso ng dengue noong nakaraang taon sa parehong panahon.

Apat na pasyente lang rin na may sakit na dengue ang nasawi noong 2018.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr Antonio Ludovice Jr., naitala ang pinaka-mataas na kaso sa Tiwi, Daraga at Pioduran.

Kaya naman humingi ang Provincial Health Office sa lugar ng P2 milyong pondo para sa pagbili ng gamit na pangontra sa lamok na nagdadala ng dengue.