Close

Alab, nakabawi sa panalo kontra Hong Kong

Sponsor ads


Nakabangon ang San Miguel Alab Pilipinas mula sa una nitong pagkatalo sa kanilang Asian Basketball League title defence matapos nitong talunin ang Hong Kong Eastern Long Lions sa score na 87-75.

Sa laro na ginanap sa Sta. Rosa Sports Complex ay pinakanagdomina ang Alab sa ikatlong quarter ng laban matapos nitong makamit ang 21-point lead sa score na 63-42.

Sinamantala naman ni PJ Ramos ang maagang foul trouble ni Sam Deguara upang magtapos sa 31 points, 12 rebounds, at 7 assists para sa Alab.

Nakuha naman ni reigning two-time local MVP Ray Parks ang kanyang best outing ngayong season sa kanyang 24 points, 4 rebounds at 4 assists.

Samantala, si Marcus Elliot naman ang nanguna sa Hong Kong sa naitala niyang 21 points at 5 boards.