Close

Air pollution sa Bangkok, inaasahang lalala ulit ngayong linggo

Sponsor ads


Inaasahang lalala na naman ang sitwasyon ng air pollution sa Bangkok ngayong linggo matapos na tumaas sa PM2.5 level ang dust particles sa siyudad.

Ayon sa ulat, inaasahang mababawasan ang hangin sa buong Bangkok dahil sa high-pressure cell sa Central region simula February 13 at 15.

Bababa rin umano ng bahagya ang temperatura sa Central at North regions ngayong linggo.

Sinabi ng Pollution Control Department na ang kasalukuyang hangin sa Bangkok ay nag-improve dahil sa mas maayos na air circulation na dahilan para na mawala ang dust particles.

Mababatid na nakakaranas ng haze problem ang Khon Kaen, Chon Buri, Nan at Uttaradit ngayong 2019 kumpara sa mga nakaraang taon dahil sa pagsusunog ng sugarcane stalks.

Ilang mga sasakyan din ang kinumpiska dahil sa paglalabas ng maitim na usok nalabag sa anti-air pollution rules.