Close

Air Force chief, maagang magreretiro at hindi sinibak- AFP

Sponsor ads


Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga usap-usapang sinibak si Air Force chief Lt. Gen. Galileo Gerard Kintanar Jr.

Ayon kay AFP public affairs chief Col. Noel Detoyato, maaga lamang na magreretiro si Kintanar na nakatakda sanag magretiro sa 2020, para magbigay daan sa pag-angat ng rango ng mga junior officers.

Kinontra ni Detoyato ang sinabi ng MAxDefense, isang grupo ng local defense enthusiasts na ni-relieve si Kintanar dahil sa pagtutol sa napili ng Malacañang na uri ng helicopters na kukunin sa ilalim ng AFP modernization program.

Batid naman umano ng militar na magkakaroon ng isang libong opinyon ang mga tao pero personal opinion pa rin naman nila ito.

Mababatid na papalitan ni Lt. Gen. Rozzano Briguez si Kinanar batay sa appointment papers nito.



Image from: philstar.com