Close

Ai Ai Delas Alas, guest sa concert ng Ex-B

Sponsor ads


Magsisilbi bilang guest sa 6th anniversary concert ng grupong Ex-Battalion ang komedyante na si Ai Ai Delas Alas sa February 17.

Ito ay kasunod ng concert ni Delas Alas na gaganapin naman bukas sa Palacio de Maynila kung saan ay makakasama niya ang aktor na si Piolo Pascual bilang special guest.

Dati nang nagkaroon ng collaboration sina Ai-Ai at ang Ex-Battalion sa single nito na "Walang Pinipili" na inupload sa Spotify noong isang taon na ang nakakaraan.

Subalit hindi pa alam ng komedyante noon na sikat na ang grupong Ex-Battalion hanggang sa kamakailan lang ay nakita niya ang mga covers nito sa youtube na merong 20-million hits.

Sinabi naman ni Ai-Ai na magkakaroon sila ng collaboration ng grupong nagpasikat sa kantang "Hayaan Mo."

Anya, kung dati ang Ex-B ang nagsilbi niyang support sa single niya, this time naman raw ay siya naman ang magsisilbing back-up ng grupo at sila naman ang magiging bida.

Mababatid na meron 13 miyembro ang grupong Ex-B pero 4 lang sakanila ay mga rapper at singer habang ang iba naman ay mga bloggers at emcees.