Close

Ahtisa Manalo, handa na para sa Ms. Int'l pageant sa Tokyo

Sponsor ads


Handa na ang pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo sa Miss International pageant na gaganapin sa Tokyo, Japan.

Ayon kay Manalo, hindi siya magtutungo sa Japan para lamang maging "second best"

Giit ni Manalo, sisiguraduhin niya na magiging proud sa kanya ang Pilipinas.

Sinabi naman ni Manalo na kabilang sa kanyang paghahanda ay ang matuto ng basic Japanese greetings at phrases.

Pinayuhan naman nina Miss Universe Philippines Catriona Gray si Ahtisa na patuloy na magtiwala sa Panginoon.

Naniniwala naman si Binibining Pilipinas Supranational Jehza Huelar na may malaking potensyal ang kanilang "baby girl" na si Athisa na maging bagong Miss International.

Mababatid na nakatakdang magtungo sa Japan si Athisa sa October 18.