Close

Aguirre, maghahain ng ethics complaint vs Hontiveros

Nakatakdang maghain ng impeachment complaint si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II laban kay Senador Risa Hontiveros sa susunod na linggo.

Ito ay kasunod ng paglalabas ni Hontiveros ng palitan ng mensahe ni Aguirre at dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras sa publiko.

Ayon kay Aguirre, nilabag kasi ni Hontiveros ang Bill of Rights on privacy of communications at Republic Act 4200 o Anti-Wiretapping Act.

Inihahanda na rin ng kalihim ang civil complaint na isasampa niya laban sa mambabatas dahil sa diumanoy paglabag nito sa constitutional right to privacy of communication at criminal complaint naman dahil sa paglabag sa RA 4200.

Sa kabila naman nito ay tumanggi pa rin si Aguirre na magbigay ng komento hingil sa text messages nila ni Paras.

Depensa naman ni Hontiveros, walang involve na wiretapping sa inilabas niyang rebelasyon.