Close

Aguas-Parker wedding, sa August 19 na

Sponsor ads


Malapit na dumating ang pinakaimportanteng araw para sa buhay ng celebrity couple na sina Jaycee Parker at Pampanga councilor Jericho Aguas

Gaganapin na ang Aguas-Parker wedding sa August 19 sa San Fernando, Pampangga.

Ayon kay Parker, nalaman niya na gusto niyang makasama habambuhay si Aguas mula nang sila ay naging mga Kristyano.

Inaasahan na magiging best man sa kasalan si Hubert Thomas Jericho Aguas, na anak ng councilor sa namayapang aktress na si Isabelle Granada.

Dadalo doon ang mga bigating personalidad kabilang na ang mga principal sponsors na sina Bureau of Corrections chief Ronald "Bato" dela Rosa, dating Senador Lito Lapid, dating Ilocos Gov. Luis "Chavit" Singson, ang producer na si Veronique del Rosario-Corpus at ang actress-politician na si Alma Moreno.

Magiging bridesmaid sa kasalan sina RR Enriquez at Atoinette Taus.

Secondary sponsors naman sina Ara Mina, Maui Taylor, at Katya Santos.