Close

Agri damage dahil sa El Niño, pumalo sa P5.7-billion - DA

Sponsor ads


Pumalo na sa P5.7-billion ang kumpirmadong pinsala sa ilang pananim dahil sa epekto ng El Niño.

Sinabi ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan na lampas na ang nasabing halaga sa initial forecast ng Department of Agriculture na nasa P1.7-billion lamang.

Dagdag ni Cayanan, meron na rin nakakarating sa kanilang ulat na ang deklarasyon ng kanilang pinsala sa mais at palay ay halos umabot na ng P7.4-billion.

Iginiit ni Cayanan na hindi pangunahing solusyon sa El Niño ang cloud seeding dahil nakadipende ito sa availability ng mga ulap na kayang lumikha ng ulan.

Samantala, sa kabila ng malaking pinsala na naitala sa agrikultura ay tiniyak ni Cayanan na hindi kailangan mangamba ng publiko sa suplay ng mais at bigas sa bansa.