Close

Agot Isidro, mas enjoy sa pag-arte kesa pagtakbo sa senado

Sponsor ads


Mariing itinanggi ng aktres na si Agot Isidro ang napapabalitang pagtakbo nito bilang senador sa 2019 elections.

Ayon kay Isidro, sa palagay niya kasi ay hindi siya mag-eenjoy sa Senado.

Sa halip aniya na tumakbo ay tututukan na lamang niya ang paggawa ng pelikula.

Sa ngayon umano kasi ay mas masarap nang umarte lalo na at nagbago na ang landscape ng filmmaking.

Ngunit sa kabila ng kanyang pagtanggi ay sinabi nitong pag-iisipan niya pa rin ang posibilidad na kumandidato sa midterm elections.

Mababatid na si Isidro ay isa sa mga kilalalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.