Close

Aces, pasok na sa semis matapos ilaglag ang Beermen

Sponsor ads


Tuluyan nang inangkin ng Alaska Aces ang slot sa semifinals matapos na ilaglag ang San Miguel Beermen sa kanilang quarterfinals showdown sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon.

Unang quarter pa lamang ay lamang na lamang na ang Aces.

Umarangkada si Mike Harris sa laro matapos magtala ng 25 points at 17 rebounds.

Ayon kay Alaska coach Alex Compton, ayaw nyang umabot pa ang laro sa Biyernes dahil nakatakdang maglaro ang nagbabalik na Beermen star June Mar Fajardo.

Dahil sa panalo, tangan na ng Alaska ang "twice to beat" incentive.

Lalabanan ng Aces ang mananalo sa quarterfinals duel ng Phoenix Fuel Masters na may ‘twice-to-beat’ advantage, kontra Meralco Bolts.





Image from: PBA