Close

Aces, nakuha ang unang panalo kontra Bolts sa score na 103-98

Sponsor ads


Pinutol ng Alaska Aces ang kanilang 2 magkakasunod na talo sa 2018 PBA Philippine Cup nang kanilang padapain ang Meralco Bolts sa score na 103-98.

Sa kabila ng foul trouble ay nakapagtala si Calvin Abueva ng 19 points, 9 rebounds, 3 assists at 3 steals habang nakapag-ambag rin ng 19 points si Vic Manuel.

Sa ikaapat na quarter ay umabot sa 10 points ang lamang ng Aces ngunit naputol ito sa 4 points dahil sa 9-3 run ng Bolts.

Dahil dito ay hindi na hinayaan ng Aces na makadikit pa ang bolts sa score nila salamat na rin sa dalawang magkasunod na 3-points ni Kevin Racal sa huling 1 minute at 24 seconds ng laro.

Samantala, pareho nang meron 1 panalo at 2 talo ang Aces at Bolts.