Close

Aces, back-to-back win

Hindi nagpatinag ang Alaska Aces laban saGlobalPort Batang Pier sa kanilang laban kagabi sa PBA Governor's Cup sa Mall of Asia Arena.

Back-to-back win ito para sa aces na pinaluha't tinambakan ang kalaban sa score na 101-88.

Ibinuhos naman ni Buck Henton ang kanyang lakas upang makagawa ng 36 puntos at 21 rebounds at ipanalo ang koponan.

Hindi naman rin pinabayaan nina Calvin Abueva na may 12 puntos at Jvee Casio na merong 11 puntos si Henton.

Samantala, ang laro namang ito ang pangalawang straight loss ng Batang Pier na nagdulot ng kanilang 3-5 ranking.//Jasmin Dator