Close

Accredited establishments sa Boracay, umabot na sa 192

Sponsor ads


KALIBO, AKLAN – Umabot na ngayon sa 192 ang bilang ng mga hotels at resorts na pinayagan ng Boracay Inter-Agency Task Force na makapag-operate sa isla.

Sa inilabas na listahan ng Department of Tourism (DOT), mula sa 157 ay nasa 192 na establisyemento na may kabuuang 8,227 rooms na ang binigyan ng clearance na magbukas.

Samantala, patuloy naman ang paalala ng DOT sa mga turista na magpa-book sa mga hotels at resorts na may accreditation sa ahensya.